NeWz   of the day
DaWnLoDs   oink file
AbAwt   oinky choknat

HuRuzkupS   zodiacs
GeyMz   download
HoW2dRaW   pigcow

SoFtWaReZ   of 2009
LottO   ni papa
TooLs   of the trade
CaLenDar   and events

KuNtaK   me via..
AmP   section
KreDitZ   and thank you

EnfO   about anything
LiNk   to other site
GaLLerY   of pig n cow
Total SiteViews: 5,528
There is 1 PiGGy online

Users IP :
Game! | Where?

Join our
Chat Box

Powered by N.A
loading
Horoscope & Zodiacs Chinese Zodiac | Horoscope

Ikaw ba ay nabo-bore, natutulala o nababaliw na dahil sa parang walang nangyayari sa inyong buhay? O sobrang dami ng iyong ginagawa pero parang walang kwenta lahat? Baguhin na ang ganyang laypstayl this Nyo Yer. -- Thank You Felbic Bilbilomonte!!

Aries | Taurus | Gemini | Cancer
Leo | Virgo | Libra | Scorpio
Sagitarius | Capricorn | Aquarius | Picses

- Ares - March 21 - April 19
Besic Prupayl: Ang mga ares ay gala, gastadora, may ADHD, matapang sa insekto, uto-uto, malakas suminghot ng sipon, mayabang pag gising, inggetera, selosa at mga tsismoso't tsismosa.

Kayamanan: Yang naipon mong pera pang kresmas, hiniram ng kapatid mo, yung kapatid mo mahoholdap.. tsk, tsk, tsk.

Pag-ibig: Wag mo siyang isipin, dahil wala ka namang isip.

Kalusugan: Huwang masyadong uminom ng maraming gamot, wala ring bisa yan. Pasensya na.

Payo ngaong Nyo Yer: Sa isang araw sa Pebrero may manghaharana.. sa ate mo, wag mag-aasume baka mapahiya.

Swerteng numero at kulor: 1,984 and Phlegmatic Green

- Turos - April 20 - May 20
Besic Prupayl: Ang mga Turos ay pakipot, may kwenta kahit lasing, demanding, maarte sa di inaasahang pagkakataon, mahilig magsulat ng graffiti sa wall, secret fan ni jolina, madaling huthutan, kayang pumalo ng bumabakat, sekswal, matigas ang ulo, paranoid, madamot sa load at ... phew! mainitin ang ulo...as in like... Hot!

Kayamanan: Habang naglalakad papuntang bangko para mag deposit, madadapa ka, mahuhulog ang wallet sa manhole.

Pag-ibig: Yung barkada mo, may lihim na pagtingin sa iyo... nananatili itong lihim dahil ayaw niyang aminin ang masaklap at nakakadiring katotohanan. At least diba?

Kalusugan: Hinde maddigest ang maning nakain mo sa donut, huwag magtaka kung polka-dots ang iyong "pups".

Payo ngaong Nyo Yer: Magflood ng Happy New Year sa Bulletin Board ng Friendster, tignan natin kung hindi ka pa mapansin.

Swerteng numero at kulor: 0 and Menstrual Red

- Jiminay - May 21 - June 20
Besic Prupayl: Ang mga Jiminay ay malikot ang kamay, magaling mag rap ng alphabet song, pilosopo, nakakairita, malakas mang-uto, feeling bagets, kenkoy, makinis ang balat sa baba, may earthworm sa tiyan, masarap pagtawanan, dumadaldal kahit tulog na yung kausap, najejebs pag nerbyoso, mababaw ang sexual tolerance at mukhang lamog na ponkan.

Kayamanan: Magpanggap na bulag at tumugtog at magmasahe sa Viraa Mall para magkapera.

Pag-ibig: Pareho kayong may gusto ay lalaki.

Kalusugan: Walang tubig sa CR ng main building, huwag nang subuking pumasok at baka mahimatay sa nakalalason na amoy.

Payo ngaong Nyo Yer: Lahat ng regalong natanggap mo nung Pasko, walang laman. Ngayong bagong taon, wag mo rin lagyan ng laman ang mga ireregalo mo.

Swerteng numero at kulor: 888 and Dundruffy White

- Kansir - June 21 - July 20
Besic Prupayl: Ang mga Kansir ay magaling manghula ng blind item, sensitibo sa panget, laging sumasabat, patagong tsismosa, mahilig magkulong sa bahay... kunwari mahinhin, nakakaintindi naman kahit papano, madaling utangan, gusto maging sirenang lumilipad na kumakain ng krystal, magaling magpanggap na mahinhin, masarap mahalin kapag hindi mo pa kilala masyado, mahilig manghawak, kamot ng kamot at galit sa mabaho.

Kayamanan: Walang pera pero may billion-dollar smile ka naman. Sana mabuhay ka diyan.

Pag-ibig: Pinatulan ka niya kasi wala na siyang ibang choice. It hurts noh?

Kalusugan: Nasa zodiac sign mo na ang makakamit mong kalagayan ng iyong kalusugan. Sorry.

Payo ngaong Nyo Yer: Mamalimos sa sementeryo, at mabibiyayaan ka sa langit.

Swerteng numero at kulor: 1,493,293 and Veiny Violet

- Liyo - July 21 - August 20
Besic Prupayl: Ang mga Liyo ay lakwatsero, ginawin tuwing summer, papansin, mahilig manghawa nang sakit, plastik, nakakaaliw pagtawanan, KSP, makapal ang mukha, tawa ng tawa sabay utot na walang tunog, mahilig magdrawing ng mga lantang gulay, magayuma, malakas ang loob lalo na kapag mag-isa, mahilig mang-utos ng nakababatang kapatid, may hawig sa aso, addict sa videoke at naglalaway kapag natatanggihan.

Kayamanan: Manlimos sa may Botanical Garden, kunwari nasunugan.

Pag-ibig: Mag-eexpire ang love life mo bago mag susunod na buwan. Lasapin na ang natitirang pagkakataon.

Kalusugan: Medyo malapot, uminom ng maraming sago at papaya juice.

Payo ngaong Nyo Yer: Kumain nang maraming fish ball sa may Circle kasama ang jowa, magbike at reminisce ng nakaraan.

Swerteng numero at kulor: 6 and Uriney Yellow

- Bergo - August 21 - September 20
Besic Prupayl: Ang mga Bergos ay mahilig gumawa ng sarili nilang problema, paimportante, laging playing safe, madugas, marunong mag headstand ng tulog, mahilig magplano perp hindi natutuloy, masipag mangasar, mapili sa kakaririn kala mo naman may pagpipilian, tikim ng tikim ng kung ano-ano, pursigidong huminga, laging nagpaparinig, suplada ever, mahilig magluto at siya lang ang kakain, at walang pinaniniwalaan kung hindi si Boy Abunda.

Kayamanan: Mananalo ka sa Miss Gay, di naman nila mahahalata na babae ka.

Pag-ibig: Umupo sa Lover's Lane, kunyari may katagpo.

Kalusugan: Hindi lahat ng bagay na sinusubo ay dapata lunukin, maari din itong iluwa.

Payo ngaong Nyo Yer: Umattend ng putukan, kumain nang libre, magsaya sa paputok at maguilty dahil maraming tao ang walang nakain nung pasko.

Swerteng numero at kulor: 71,237 and An-Anish Pink

- Lebra - September 23 - October 22
Besic Prupayl: Ang mga Livrans y kaakit-akit sabunutan, pino ang balahibo, palakaibigan pag laseng, masaya pag malungkot lahat, madalas mawalan ng pera, aminadong panget sila sa neoprint, malambing pag may kailangan, balanse ang bigat ng ano at ng ano, makabayan pero hindi sa pilipinas, malanding cute, kumited sa org pag may GA at food, totoong tao sila hindi pala hayop, kumakain ng ginupit na kuko, laging pagod pagkagaling sa CR, mababaw at masarap pikunin.

Kayamanan: Mamamatay lahat ng taong pinautang mo.

Pag-ibig: Mahal ka niya kahit na puro uban buhok mo.

Kalusugan: Matulog ng mahimbing at wag ng gumising.

Payo ngaong Nyo Yer: Bumili ng N90, iwala at isiping nakatulong ka sa kung sino mang nakapulot nito.

Swerteng numero at kulor: 999 and Hepatitic Orange

- Skurpyo - October 23 - November 22
Besic Prupayl: Ang mga Skurpions ay maharot, nakakaakit tignan pag nakatalikod, laging naghihinala mali nama lage, emosyunal pag nanunuod ng MTV Dismissed- relate daw sila, laging dilat ang mata, pursigidong manalo sa piko, magaleng magrecycle ng ulam, may direksyon ang buhay after 57 years, dominante sa lower levels, mahilig manghiganti sa walang kasalanan, seloso sa aso, mahirap magpatawad ng sarili, isang malaking bully, mahilig mang-angkin ng hindi sa kanya at aroganteng maglakad sa hallway kunwari gwapo.

Kayamanan: May mana kang matatanggap mula sa lolo mo, pero panahon pa ng bato ang pera niya.

Pag-ibig: Masarap pigilin and nadarama, parang pupu.

Kalusugan: Magiging bala ka ng kwitis ngayong Bagong Taon. Mag-ingat.

Payo ngaong Nyo Yer: Nung nag-exchange gift kayo ng friends mo, yung regalo mo bumalik sayo.Gamitin mo nalang ngayong new year.

Swerteng numero at kulor: 555,666,777 and Ebakish Brown

- Sagetaryos - November 23 - December 20
Besic Prupayl: Ang mga Sagetaryos ay marunong tumayo sa sariling kamay, matapat sa kasintahan kapag kayo's magkasama, postibo ang pananaw sa failing grades sign of loyalty daw iyon, mahilig magdrive ng bump car, super corny ang jokes, pasimple mangutang,pilosopo, hindi mapakali, adik sa Ragnarok, mahirap pigilin pag hindi nagpapapigil, bulol, madulas kutuban kapag may padating na panget, prankang taklesa at magugulatin tuwing tumitigin sa salamin.

Kayamanan: Umiwas sa mga taong kamukha, dahil mukha silang pera.

Pag-ibig: Makikita mo siyang may kasamang iba, mas maganda sayo, mas sexy, magkayakap pa sila, nagkikiss holding hands while walking, nag aamuyan, nagtatawanan... un lang naman, affected ka?

Kalusugan: Eat moderately. Your bilbil is kinda umuusli na.

Payo ngaong Nyo Yer: Payuhan ang sarili, wala akong maisip.
Swerteng numero at kulor: 14,344 and Luga-ish Yellow

- Kafrekorng - December 20 - January 19
Besic Prupayl: Ang mga Kafre ay pursigido kahit sawi sa pag-ibig, may lahing baliw, seryoso pag kinikiliti, nangangarao maging next Sandara Park at Hero Angeles, mahirap pikunin, konserbatibong kunwari, malamig ang hininga, mahilig tumayo, masyadong pinahahalagahan ang kanilang mga buhok-buhok, necrophilic, kuripot sa laway at mukhang pinisang monay.

Kayamanan: Isa kang dukha. Wala na tayong magagawa.

Pag-ibig: May makikilala kang model... nang kabaong.

Kalusugan: Pigilang lumabas ang uhog sa ilong pag bumabahing. kadiri kasi.

Payo ngaong Nyo Yer: Subukang simulan ang new year ng hindi kumakain... for a change.

Swerteng numero at kulor: .003 and Kachichas Black

- Akwaryos - January 20 - February 20
Besic Prupayl: Ang mga Akwaryos ay madalas manantsing, orihinal ang kakornihan, magayuma sa matatanda, up-to-date sa mga tsismis, mahilig magbigay ng tira sa pulubi, bukas ang isip sarado ang kukote, mahilig mag-imbento ng kwento, mukhang matanda ang itsura para sa kanilang edad, laging kumokontra para mapansin, hinihika sa commitment, galit sa mukhang tao at nakakahilo ang hininga.

Kayamanan: Mananalo ka sa Looto, pero huling araw mo na bukas.

Pag-ibig: First attempt ng panliligaw basted agad.

Kalusugan: Huwag araw-arawin, baka manilaw.

Payo ngaong Nyo Yer: Kuriputin ang load ngayong new year, walang silbi ang pagbati ng Nyo Yer kung pebrero na maipapadala.

Swerteng numero at kulor: 1.24 and Nipplish Fuschia

- Fayses - February 20 - March 20
Besic Prupayl: Ang mga Fayses ay sensitibo sa mabaho, kayang magpalabas ng kanin sa ilong, madugas, tumatakas sa responsibilidad, mahilig makinig sa usapan ng iba, walang magawa sa buhay, mahina ang pick-up, di mawari ang kasarian, tamad lumunok, akala mo lalaki... babae pla at mahilig yakapin ang sarili.

Kayamanan: Kumpara sa goto at pares, mas malaki ang kita sa club.

Pag-ibig: Wala kang pera ngayong Nyo Yer, balikan ang pinaka-mayamang ex.

Kalusugan: Huwag manatiling kalbo, mag-gugo.

Payo ngaong Nyo Yer: Kantahin ang Jingle Bells (Kahit di na Pasko) ng umiiyak na nagrurunning man.

Swerteng numero at kulor: .0000001 and Boogerish Green
STATUS : Server Migration On Going.